^

PSN Palaro

Singh kampeon sa Olivarez Cup

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Karunu­day Singh ng India ang ma­gandang ipinakita sa 2014 Olivarez Cup-Philippine Futures nang kunin ang men’s singles title sa pa­mamagitan ng 6-4, 5-7, 6-3 panalo laban sa third seed na si Shuichi Sekiguchi ng Japan kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tila humugot ang No. 8 seed na si Singh ng lakas mula sa mainit na klima para madomina ang pagod  na pagod na si Sekiguchi sa ikatlong set patungo sa kanyang unang titulo matapos ang ikaapat na torneo na kung saan nasama siya sa main draw.

Ang panalo ay nag­resulta para kunin din ni Singh ang gantimpalang $2,160.00 bukod pa sa ma­halagang puntos para tumaas ang kanyang ran­king na ngayon ay nasa 486 sa mundo.

Lumabas din ang 23-anyos na si Singh bilang doubles champion ng kompetisyong tinaguyod ni Philta president at Pa­rañaque Mayor Edwin Oli­varez at sinahugan ng $15,000.00 premyo.

Nakipagtambalan si Singh kay Ivo Klec ng Slovak Republic para ma­nalo sa doubles event kontra sa top seeds na sina Fil-Am Ruben Gonzales at Thai netter Sonchat Ratiwatana.

Ito ang kauna-unahang Futures event sa Pilipinas matapos ang dalawang dekada.

 

vuukle comment

FIL-AM RUBEN GONZALES

IVO KLEC

MAYOR EDWIN OLI

OLIVAREZ CUP-PHILIPPINE FUTURES

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SHUICHI SEKIGUCHI

SHY

SLOVAK REPUBLIC

SONCHAT RATIWATANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with