Bradley tiwalang tatalunin si Pacquiao sa rematch

MANILA, Philippines - Kung hindi siya kinayang pabagsakin ni Manny Pacquiao sa kabila ng sumasakit niyang mga paa sa kanilang unang paghaharap noong Hunyo 9, 2012 ay mas lalo pa sa kanilang rematch sa Abril 12.

Ito ang reaksyon ni Bradley kaugnay sa pahayag ni chief trainer Freddie Roach na kayang pabagsakin ni Pac­quiao ang American world welterweight king sa muli ni­­lang pagkikita sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“What makes you think he can take me out with two good feet?” sabi ni Bradley kahapon sa isang conference call.

Tinalo ni Bradley si Pacquiao via split decision para aga­win sa Filipino world eight-division champion ang da­­­ting suot nitong World Boxing Organization (WBO) wel­­terweight crown.

Maraming boxing experts ang nagsabing naging ‘ma­bait’ ang 35-anyos na si Pacquiao sa 30-anyos na si Brad­ley sa kanilang unang banggaan.

“Manny Pacquiao used to come in blazing and knock guys out – just knock them out, and he didn’t mess around,” ani Bradley. “Now, it looks like he is more compassionate towards his opponents. That’s not good for boxing.”

Sinabi ni Roach na hindi na magiging ‘mabait’ ang Sarangani Congressman kay Bradley sa kanilang rematch.

At ang direktiba niya kay ‘Pacman’ ay pabagsakin si Brad­ley kapag nakakita ng magandang pagkakataon sa anumang bahagi ng kanilang laban.

 

Show comments