OAKLAND--Kumapit pa ang Golden State Warriors sa ikaanim na puwesto sa Western Conference maÂtapos ang 100-93 panalo sa Memphis Grizzlies noong Biyernes.
May 33 puntos si Stephen Curry kasama ang paÂnablang three-pointer at ang Warriors ay nanalo matapos ibuhos ang 14-0 run sa huÂling apat na minuto.
Si Klay Thompson ay may 14 puntos pa, kasama ang dalawang mahahalagang free throws upang makamit ng Golden State ang unang panalo sa taÂhanan ng Grizzlies matapos ang anim na pagtutuos.
Namuno sa Memphis si Zach Randolph sa kanyang 21 puntos at ang kanyang reverse layup ang naglayo sa home team sa 93-86.
Sa Chicago, anim na manlalaro ng Portland Trail Blazers ang gumawa ng mahigit na 10 puntos para tulungan ang koponan sa 91-74 pagdurog sa Bulls.
Si LaMarcus Aldridge ay naglaro sa ikalawang sunod na game matapos lumiban ng dalawang linggo bunga ng back injury at mayroon siyang 13 rebounds at limang puntos sa 29 minuto.
Malayo ito sa ibinigay na 25 puntos at 16 rebounds nang nanalo ang koponan sa Atlanta ngunit hindi apekÂtado ang Blazers sa mahiÂnang opensa ng All-Star player dahil sa magandang suporta ng mga kasamahan sa pangunguna ni Mo Williams na may 18 puntos.
Sa New Orleans, tumaÂpos si Tyreke Evans bitbit ang career-high 15 assists upang isama sa kanyang 22 puntos at ang Pelicans ay nanalo sa ikalimang sunod na pagkakataon gamit ang 102-95 pananaig sa Utah.
Ang dating manlalaro ng Sacramento ang naging starting pointguard pa rin ng Pelicans at patuloy ang pag-ani ng magandang resulta na nasimulan nang gulatin noong Miyerkules ang Los Angeles Clippers.