MANILA, Philippines - Haharap sa do-or-die game ang House of Representatives Solons sa pagpapatuloy ng 2nd UNTV Cup ngayong haÂpon sa Ynares Sports AreÂna sa Pasig City.
Kalaban ng Solons ang MaÂlacañang Patriots at kaÂÂilangang manalo ang una ng mahigit 15 puntos para umusad sa susunod na round.
Hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang tatlong laro ang HOR at ang makukuhang panalo ay magreresulta sa three-way tie sa panig ng nasabing koponan, Patriots at ang pahingang Senate sa 1-3 sa Group A.
Ngunit matatanggal pa rin ang HOR kung hindi maabot ang winning margin na kailangan dahil sa taglay na pinakamababang quotient.
Tapusin ang group eliÂmination taglay ang 4-0 sweep ang nakataya sa nagdedepensang Judiciary na sasagupain ang Metro Manila Development Authority Black Wolves sa ikalawang laro.
Placing na lamang ang mangyayari sa Group B dahil nauna nang namaalam sa liga ang Department of Justice na hindi pinalad na nanalo ng isang laro (0-4).