MANILA, Philippines - Magtutulungan ang Samahang Basketbol ng PiÂlipinas (SBP) at Talk N’Text para maisulong ang TNT Tatluhan sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Layon ng kompetisyon na katatampukan ng tig-tatlong manlalaro bawat koponan, ang palakasin ang grassroots level ng SBP at suportahan ang pagnanais ng International Basketball Federation (FIBA) na palaganapin ang larong 3-on-3.
Bukas ang TNT Tatluhan sa mga manlalarong edad 18-pababa at ito ay gagawin mula Marso hanggang Mayo at magkakaroon ng 20 legs at isang national championship.
“Through TNT Tatluhan, we are finalizing the three-on-three format, which has been played by Filipinos since time immemorial - in the streets, in parking areas, barangays. The format actually started the basketball development in the Philippines, and this tournament will be a big boost to our country’s sports program,†wika ni SBP Senior Consultant Moying Martelino.
Nagpasalamat naman si Carlo Endaya, ang TNT Marketing Head, sa pagkapasok ng TNT sa programa bilang title sponsor.
Bukod sa laro, magkakaroon din ng mga basketball clinics, photobooths, raffles at iba pang aktibidades na kagigiliwan ng komunidad na pagdarausan ng kompetisyon.