^

PSN Palaro

SBP, Talk ‘N Text magtutulungan para sa 3-on-3 nationwide

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtutulungan ang Samahang Basketbol ng Pi­lipinas (SBP) at Talk N’Text para maisulong ang TNT Tatluhan sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Layon ng kompetisyon na katatampukan ng tig-tatlong manlalaro bawat koponan, ang palakasin ang grassroots level ng SBP at suportahan ang pagnanais ng International Basketball Federation (FIBA) na palaganapin ang larong 3-on-3.

Bukas ang TNT  Tatluhan sa mga manlalarong edad 18-pababa at ito ay gagawin mula Marso hanggang Mayo at magkakaroon ng 20 legs at isang national championship.

“Through TNT Tatluhan, we are finalizing the three-on-three format, which has been played by Filipinos since time immemorial - in the streets, in parking areas, barangays. The format actually started the basketball development in the Philippines, and this tournament will be a big boost to our country’s sports program,” wika ni SBP Senior Consultant Moying Martelino.

Nagpasalamat naman si Carlo Endaya, ang TNT Marketing Head, sa pagkapasok ng TNT sa programa bilang title sponsor.

Bukod sa laro, magkakaroon din  ng mga basketball clinics, photobooths, raffles at iba pang aktibidades na kagigiliwan ng komunidad na pagdarausan ng kompetisyon.

BUKAS

BUKOD

CARLO ENDAYA

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

MARKETING HEAD

SAMAHANG BASKETBOL

SENIOR CONSULTANT MOYING MARTELINO

TALK N

TATLUHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with