PBA D-league foundation cup NLEX, Café France nagsosyo sa liderato

MANILA, Philippines - Binigyan ng buhay ni­na Kevin Alas, Garvo Lanete at Matt Ganuelas ang nanlamig na opensa ng NLEX sa huling yugto para mailista ang ikalawang sunod na panalo sa 103-94 laban sa Boracay Rum sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Trinity of Asia Gym.

Si Alas ang nanguna sa Road Warriors sa kanyang 19 puntos bukod sa 10 assists at limang sunod ang kanyang ginawa matapos hawakan ng Waves ang 82-80 kalamangan.

Iniwanan ng NLEX ang Boracay ng 16 puntos sa halftime (54-38), nagtiyaga ang Waves sa pagbangon at ang lay-up ni Mark Belo ang nagpatikim pa ng kala­mangan sa koponan sa 6:24 ng orasan.

May tig-isang tres pa sina Laneta, Ganuela at Kirk Long para ilayo ang tropa ni coach Boyet Fernandez sa siyam, 99-90 na nagtiyak sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Nakasalo pa rin ang Café France sa liderato matapos kakitaan ng tibay sa overtime para sa 84-81 panalo sa Hog’s Breath Café sa ikalawang laro.

Hindi pinapuntos ng depensa ng Bakers ang Razorbacks sa huling 1:46 ng extension upang makum­pleto ang pagbangon buhat sa 77-81 iskor.

 

Show comments