MANILA, Philippines - Hindi naging problema para sa mga Arellano at AdamÂson ang hamong hatid ng mga provincial teams nang kunin ang straight sets panalo sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nagkaroon ng pitong service aces ang Lady Chiefs upang isama sa 49 kills para pagningningin ang 25-15, 25-17, 25-19, pangingibabaw sa Southwestern University tungo sa unang panalo sa Group A.
Si Danna Henson ay mayroong 13 puntos, mula sa 10 kills at tatlong aces habang 10 iba pang kakampi ay umiskor sa laban para madomina ang Lady Cobras na bumaba sa 1-1 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s.
Matapos gumawa ng 19 puntos sa naipanalong unang laro sa St. Louis University, ang beteranong si Marlyn Llagoso ay nalimitahan lamang sa walong puntos sa labanang ito para mabigo ang CESAFI champion na masolo ang liderato sa grupo.
Balanseng pag-atake rin ang ginawa ng Lady Falcons para sa madaling 25-10, 25-10, 25-20, panalo sa St. Louis sa ikalawang laro.
Si Mylene Paat ay mayroong 11 puntos habang sina Jessica Galanza, Shiela Marie Pineda at Pau Soriano ay may 9, 8 at 7 puntos upang makabaÂngon ang koponan mula sa pagkatalo sa UAAP champion Ateneo sa unang laro.
Hindi nakaporma ang opensa ng Lady Navigators at nagkaroon lamang ang kanilang setter na si Maureen Agudia ng tatlong excellent sets at walang manlalaro sa nasabing koÂponan ang gumawa ng doble-pigura.
Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng kopoÂnan mula Baguio upang malagay sa huling puwesto sa Group A sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Akira.