^

PSN Palaro

Elasto Painters may bagong import

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang sinibak ng Rain or Shine si Alex McLean matapos hugutin si Wayne Chism at mapalakas ang kanilang kampanya sa kasalukuyang 2014 PBA Commis­sioner’s Cup.

Sa kanyang huling laro sa 96-79 panalo ng Elasto Painters laban sa Meralco Bolts noong Miyerkules ay naglista si McLean ng 23 points.

Si Chism naman ang orihinal na kinukuha ng Barako Bull at nakapag-ensayo na para sa Energy Cola sa pre-season bago nalamang may contractual problem ang import sa kanyang koponang Kaposvari sa Hungary.

At sa pagkakaresolba sa kanyang problema sa nasabing Hungarian team ay maaari na siyang maglaro para sa Rain or Shine.

Naglista ang dating Tennessee University standout ng mga averages na 20.7 points, 10.1 rebounds at 2.5 blocks sa 16 games na laro para sa Kaposvari team sa Hungary.

Nauna na ring tinarget ng Ginebra si Chism.

 

vuukle comment

ALEX

BARAKO BULL

CHISM

ELASTO PAINTERS

ENERGY COLA

KAPOSVARI

MERALCO BOLTS

SI CHISM

TENNESSEE UNIVERSITY

WAYNE CHISM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with