MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na panalo ang hangad ng Southwestern University habang unang panalo ang pag-aagawan ng St. Louis University at Adamson sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Dugtungan ang 25-20, 23-25, 25-15, 21-25, 19-17, panalo sa huling laro laban sa St. Louis U ang nais na gawin ng CESAFI champion Lady Cobras sa pagsukat sa husay ng Arellano sa ganap na alas-2 ng hapon.
Kapana-panabik na tagisan din ang inaasahang mangyayari sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon sa sukatan ng Lady Navigators at Lady Falcons.
NaunsiÂyami ang tangkang unang paÂnalo sa Group B ng Adamson matapos sÂilang dumaÂpa sa UAAP champion AteÂneo, 25-19,18-25, 25-23, 26-24, noong Linggo.
Asahan na gagamitin ng Lady Falcons ang malawak na kaÂranasang taglay ng mga pambato na sina Shiela Pineda, Pau Soriano at Thai import Pacharee Sangmuang upang maÂiÂiwas ang sarili na maÂlagay sa ilalim sa gruÂpo sa ligang inorgaÂnisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Mahalaga ang bawat panalo na maililista sa ligang may suporta pa ng Accel, Mikasa at Akari dahil single round group elimination ang mangyayari sa yugtong ito at ang dalawang mangungulelat ay mamamaalam na sa liga.
Ang mga beterana ng Lady Cobras na sina spiker Neresa Llagoso at setter Neresa Villanueva ang huhugutan ng lakas ng SWU pero makakatulong din kung gagana uli ang husay nina guest player Lutgarda Malaluan, Sheena Quino at Janelle Cabahug na siyang nakatulong ng koponan para maisantabi ang malakas na hamon ng Lady Navigators.
Magdadala para sa Lady Chiefs sina Menchie Tubiera, Elaine Sagun, Jan Eunice Galang at Jane Ticar para ibangon ang koponan mula sa opening day loss. (ATan)