MANILA, Philippines - Isang laban na hindi makakalimutan ng mga mahihilig sa boxing.
Ganito tinuran ni Bob Arum ng Top Rank ang matutungÂhayan sa rematch nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas Nevada.
Humarap sa conference call si Arum at ang Team Pacquiao upang ipaalam ang estado ng paghahanda at natuwa ang beteranong si Arum sa narinig na pagsisikap ng Pambansang kamao na maibalik ang dating kinatakutang tikas para kay Bradley.
“I’m really excited. I mean, Manny is coming in with a whole new attitude. You’re going to see the best of Manny Pacquiao on April 12,†pahayag ni Arum.
Si Bradley na idedepensa sa ikatlong pagkakataon ang hawak na WBO welterweight title, ay hindi rin nagpapahuli dahil kailangan niyang manalo upang patunayan na hindi totoo na kontrobersya ang nakuhang split decision panalo sa unang pagtutuos noong 2012.
“Tim Bradley now is not the Tim Bradley that fought Manny two years ago. He’s much more confident fighter. He’s used to the big stage. I think it’ll be a classic battle; a lot of fireworks and people will really enjoy the event,†dagdag ni Arum.
Kinalimutan naman ni Pacquiao ang kontrobersya na nangyari sa unang tagisan at talagang itinuon na lamang ang sarili sa paghahanda upang makabawi sa rematch.
Dapat ding asahan ang mabangis na Pacman at hindi siya magpapapigil sa kahit na anong bagay, kasama na rito ang kanyang bagong relihiyon.
Marami ang nakapuna na mula ng napasok sa inaÂnibang relihiyon ay nawala umano ang ‘killer’s instinct’ ni Pacquiao sa ring dahil naroroon ang habag na masaktan ang kalaban.
“The religion that I have is a personal thing. Fighting in the ring is boxing. That’s my career and my God is always helping me and giving me strength,†wika ni Pacquiao.
Sa pahayag na ito, tunay nga na magiging eksplosibo ang magaganap na ikalawang pagkikita nina Pacquiao at Bradley. (ATan)