MANILA, Philippines - Ipinaramdam kaagad ng NLEX Road Warriors ang kanilang masidhing haÂngarin na mabawi ang kamÂpeonato sa PBA D-League Foundation Cup nang ilampaso ang nagdeÂdepensang Blackwater Sports, 102-84, kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Naisantabi ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang mahinang panimula ng koponan at ang pisikal na laro ng Elite upang maÂkasama sa apat na iba pang koponan na nasa unaÂhan sa 10 koponang liga.
May 19 puntos si Garvo LaÂnete at ang 13 dito ay ibiÂnagsak niya sa ikatlong yugÂto para matabunan ang 44-48 halftime score paÂtungo sa 71-69 kalamaÂngan papasok sa huling 10 minuto ng sagupaan.
Gumana ang mga kamay nina Kevin Alas, Art DeÂla Cruz at Jake Pascual sa huling yugto upang iwanan na ang Elite.
Natalo na ay may posibilidad pa na hindi magamit ang bagong sentro na si Reil Cervantes sa susunod na laro ng Elite.
Ito ay matapos ipatapon si Cervantes sa laro bunga ng flagrant foul 2 nang suntukin sa ulo si NLEX import Ola Adeogun.
Gumawa ng 18 puntos si Jeckster Apinan, habang may 11 at 10 puntos sina Dexter Maiquez at Brian HeÂruela para sa Superchargers na nais na higitan ang pangalawang puwesÂtong pagtatapos sa Aspirants’ Cup na pinagharian ng NLEX. (ATan)