MANILA, Philippines - Nakitaan ng tikas ang Southwestern University, habang mas solido ang laÂrong natunghayan sa FEU upang manalo sa kanilang mga laro sa Shakey’s V-League Season 11 First ConÂference kahapon sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Sinandalan ng Lady Cobras ang block laban kay Krissian Tsuchiya at paÂmatay na kill na galing kay guest player Lutgarda Malaluan para maisantabi ang 12-14 iskor sa deciding set at gapiin ang baguhang St. Louis University sa 25-20, 23-25, 25-15, 21-25, 19-17 iskor.
Namuro ang Lady NaÂvigators sa sana ay unang panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at may ayuda ng Shakey’s pero hindi nila nakuha ang deciÂding point upang ibigay sa CESAFI champion ang karapatan na saluhan ang AteÂneo sa unang puwesto sa Group A.
May 19 puntos si MarÂlyn Llagoso pero malaking tulong ang impresibong nuÂmero galing kay setter na si NeÂresa Villanueva at liberong si Jerra Mae PaÂcinio.
Ang mga inaasahan naman ng FEU na sina Bernardette Pons at Remy Joy PalÂma ay nagposte ng 21 at 15 punÂtos, ayon sa pagkakasunod, at nagÂÂsanib sa 30 kills para tuÂÂlungan ang LaÂdy TaÂmaÂÂraws sa 25-21, 20-25, 25-11, 25-20 panalo kontra sa San Sebastian sa ikalawang laro. (ATan)