MANILA, Philippines - Hindi na puwedeng tumapak si national athletics coach Joseph Sy sa lahat ng pasilidad na pinangaÂngasiwaan ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ito ang napagdesisÂyuÂnan ng PSC board maÂtapos ang pagpupulong kahapon sa kasong kinaÂsangkutan nina Sy at Rosalinda Hamero dahilan upang tanggalan sila ng buwanang sahod na P20,000.00 ng komisyon.
Tinalakay ng board ang rekomendasyon ng 3-man panel na binuo nina PSC chairman Ricardo Garcia, PSC legal head Atty. Yen Chan at badminton coach Allan de Leon, at nakasaad sa rekomendasyon na tunay na nagpabaya sina Sy at Hamero sa kanilang trabaho bilang national coaches dahil sa ibang gawain.
Ang akusasyon na ito ay naunang inilabas ni commissioner Jolly Gomez.
Dahil dito ay pinagtiÂbay ng PSC ang naunang desisÂyon na alisin ang daÂlawa sa hanay ng mga coaches na sumasahod sa KomisÂyon.
Nadagdagan ng kaparusahan si Sy dahil sa pagkakadiskubre na hawak niya ang mga ATMs ng mga atleta dahil sa kanyang mga pautang.
Mismong ang alaga niyang si Myanmar SEA Games gold medalist Henry Dagmil ang nagbuko sa nasabing gawain ni Sy habang apat na iba pa ang gumawa ng affidavit na nagpapatunay na hawak ng coach ang kanilang ATMs dahil may inutang na pera.