MANILA, Philippines - Tinapos ni Kang Ku Keon ng Korea ang panggugulat ni Rhett Purcell ng Great Britain upang samahan si Canadian Gloria Liang bilang kampeon sa 25th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships na nata-pos kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Ang fourth seed na 17-anyos na si Kang ay naging handa sa malalakas na bola ni Purcell tungo sa 6-3, 6-4, panalo sa boys singles.
Halos perfect ang laÂrong ipinakita ng 14th seed na si Liang para kalusin ang third seed na si Kimberly Birrell ng Australia, 6-2, 7-5, sa girls singles.
Hindi naman nasaÂyang ang pagsali ni Purcell dahil ang tambalan nila ni Alexander Klintcharov ng New Zealand ay nagbunga nang sila ang kilalanin bilang boys doubles champion matapos ang 7-6 (5), 7-5, panalo kina Lin Wei De at Yang Shao Chi ng Chinese Taipei.
Sina Katie Boulder at Freya Christie ng Great Britain ang nagkampeon sa girls doubles nang iuwi ang 6-4, 6-1, tagumpay kina Natsuho Arakawa ng Japan at Lizette Cabrera ng Australia.
Ang Grade I kompetis-yong ito ay inorganisa ng Philippine Tennis Association (Philta) at may basbas ng International Tennis Federation (ITF).