^

PSN Palaro

Ubos ang top seed: Upset yumanig sa Mitsubishi netfest

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang pang­gu­gulat ni Rhett Purcell ng Great Britain nang pu­masok ang unseeded netter sa finals ng 25th Mitsubishi Lancer International Ju­nior Championships boys singles sa Rizal Memorial Tennis Center.

Hindi nakaepekto ang tatlong set na panalo sa quarters laban kay Mandresy Rakotomalala ng France nang  punung-puno pa rin ng enerhiya si Purcell  tungo sa madaling 6-0, 6-1, panalo kay eight seed Bogdan Bobrov ng Russia sa semifinals kahapon.

Makakalaban ni Purcell si fourth seed Kang Ku Keon ng Korea na pinabagsak ang top seed na si Harry Bourchier ng Australia, 7-6 (5), 6-3, tagumpay.

Nagtala rin ng upset sa girls singles nang pataubin ni third seed Kimberly Birrell ng Australia ang top seed  na si Katie Boulter ng Great Britain sa tatlong sets, 2-6, 6-2, 7-6 (3).

Kalaban ni Birrell si Glo­ria Liang ng Canada na nanaig kay Raveena Kingsley ng USA, 6-3, 6-4.

May pagkakataon si Boulter na magkaroon pa rin ng kinang ang pagsali sa kompetisyon dahil sila ng kababayang si Freya Christie ay nasa Finals sa girls doubles.

 

BOGDAN BOBROV

FREYA CHRISTIE

GREAT BRITAIN

HARRY BOURCHIER

KANG KU KEON

KATIE BOULTER

KIMBERLY BIRRELL

MANDRESY RAKOTOMALALA

MITSUBISHI LANCER INTERNATIONAL JU

PURCELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with