^

PSN Palaro

Lady Bulldogs handa na sa pagdedepensa ng titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Handang-handa na ang National University sa pagdedepensa sa kanilang korona sa paghataw ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference sa Linggo sa The Arena sa San Juan.

Hindi lamang ang pagtatanggol sa titulo ang hangad ng Lady Bulldogs kundi pati na rin ang pagbangon sa masama nilang kampanya sa nakaraang UAAP women’s volleyball tournament.

Nabigong makapasok ang NU sa finals sa kabila ng pagiging No. 2 tangan ang ‘twice-to-beat’ edge sa stepladder semis matapos yumukod sa nagkampeong Ateneo Lady Eagles sa sudden death.

Inaasahang pangungunahan nina Dindin at Jaja Santiago ang kampanya ng Lady Bulldogs sa V-League.

Tinalo ng NU ang Ateneo sa isang rubber match para makuha ang kanilang unang Shakey’s V-League crown noong nakaraang taon.

Bukod sa magkapatid na Santiago, muli ring aasa si NU coach Edjet Mabbayad kina Aiko Urdas, Carmin Aganon, Myla Pablo, Rizza Mandapat, Fatima General, Desiree Dadang, Arianna Dequito, Mae Salazar, Precious Salibad, Ivy Perez, Jocelyn Soliven at Gayle Valdez.

Sa paniniwalang may sapat silang talento at lakas ay hindi na kumuha ang Lady Bulldogs ng isang import sa nasabing 12-team roster.

Kasama ng NU sa Group B ang UST, many-time NCAA titlist San Sebastian College, Far Eastern University, Perpetual Help at baguhang Davao Lady Agilas.

Nasa Group A naman ang Ateneo, Adamson, St. Be­nilde, Arellano, St. Louis University ng Baguio at Southwestern University ng Cebu.

 

AIKO URDAS

ARIANNA DEQUITO

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CARMIN AGANON

DAVAO LADY AGILAS

DESIREE DADANG

EDJET MABBAYAD

FAR EASTERN UNIVERSITY

LADY BULLDOGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with