MANILA, Philippines - Hindi malayo na mawala na si Chito Loyzaga biÂlang commissioner sa UAAP Season 77.
Sa closing ceremony noong Miyerkules ng gabi sa Century Park Hotel, binanggit ni Rod Roque ng University of the East na may 12 pangalan ang pinagpipilian para maging commissioner sa basketball na siyang unang event ng collegiate league.
Ang UE ang siyang punong abala sa papasok na season at kasama sa pangalang pinagpipilian ay ang basketball Living LeÂgend na si Robert Jaworski.
“Hindi pa namin siya nakakakusap pero kino-consider namin siya,†ani Roque.
Bukod kay Jaworski, ang pangalan nina dating PBA commissioner Noli Eala, dating PBL commissioner Chino Trinidad, veteran coach Joe Lipa, UE assistant coach Arturo “Bai†Cristobal, Red Bull coach Bong Ramos at dating PBA referee Tito Varela ang naÂbanggit ng UE officials.
Inaasahang matatapos ang dalawang sunod na termino ni Loyzaga sa nasabing puwesto dahil nagkaroon ng alitan ang Red Warriors at ang dating PBA player matapos ang suspension na ipinataw kina Charles Mammie at Ralf Olivares sa krusyal na yugto sa Season 76.
Sa Hulyo 12 nakatakdang simulan ang aksyon sa basketball sa Smart Araneta Coliseum at ang UE ay makikipagtagisan sa UP sa unang laro.
Sa nasabing kaganapan ay tinanggap din ng La Salle ang overall championship trophy para lumawig sa dalawang taon ang dominasyon sa seniors division.
Pinagsaluhan naman nina WNM Jan Jodilyn Fronda ng La Salle at Camille Sambile ng FEU ang Athlete of the Year honor.