Velazquez, Farenas magbubugbugan na

    Tinitimbang si Hector Velazquez sa official weigh-in para sa  laban nila ngayon ni  Michael Farenas.

MANILA, Philippines - Nakatulong para kina Hector Velazquez at Alem Robles ng Mexico ang pag­bisita sa sauna room para maabot ang takdang timbang at matiyak na matutuloy ang laban kontra sa dalawang Filipino boxers ngayon sa The Arena sa San Juan City.

 Limang pounds ang kinailangang ibawas ni Velazquez sa dalawang oras na pamamalagi sa sauna room para pumasok sa 130-pound limit.

Haharapin ni Velasquez si Michael Farenas para sa paglalabanang WBC ABCO super featherweight title na siyang main event sa gabing ito.

Si Farenas (37-4-4, 29KOs) ay kinailangan ding mag-alis ng boxing shorts para maisantabi ang unang timbang na 130.5 pounds.

Tiyak na papabor kay Farenas ang laban dahil sa nangyari kay Velasquez upang lumapit sa hanga­ring mapalaban sa world title sa taong ito.

Nakatulong din kay Rob­les ang paglagi sa sauna room upang mabawas ang kalahating timbang na lampas upang pumasok sa 124-pound catch weight sa tagisan nila ni Dave Peñalosa.

Walang hirap na puma­sok si Peñalosa sa 123.5 pounds timbang.

Ang event na ito ay suportado ng CherrylumE, DIY (Do It Yourself) Hardware at Harrix Wires and Cables at ipalalabas ito sa GMA 7 sa Marso 22 matapos ang Eat Bulaga.

 

Show comments