MANILA, Philippines - Buo ang loob ni national volleyball coach Francis ViÂcente na mapapagsama-sama niya ang pinakamahuÂhusay na manlalaro na magdadala ng laban ng host Pilipinas sa 2014 Asian Men’s Club Volleyball Championship na handog ng PLDT Home Fibr.
“Our marching order from the Philippine Volleyball Federation (PVF) and the organizers is to form the best fighting squad,†wika ni Vicente.
Ang kompetisyon ay itinakda mula Abril 8 hanggang 16 sa Mall of Asia Arena at Cuneta Astrodome sa Pasay City at lalahukan ito ng 18 bansa na record sa kasaysaÂyan ng AMCVC.
Nauna nang pinangalanan sa Pambansang koponan na makikilala bilang TVolution Power Pinoys sina actor-sportsman Richard Gomez, JP Torres, Ronjay Galang, Jeffrey Malabanan, Alnakaran Abdilla, Jason Ramos at Rodolfo Labrador upang isama sa mga Australian imports na sina Cedric Legrand at William Robert Lewis.
Lima pang local players ang pangangalanan at ito ay inaasahang gagawin sa loob ng ilang araw dahil ang koponan ay tutulak ng Seoul, Korea para sa dalawang linggong pagsasanay.
Ang lahat ng laro ng Pilipinas ay mapapanood ng live sa TV5 bukod sa live streaming gamit ang TVolution ng PLDT HOME Fibr.