MANILA, Philippines - Ginagarantiya ni US coach Ollie Townsend na ibang AJ Lim ang mapapanood ng mga mahihilig sa tennis sa pagsalang niya sa 25th Mitsubishi Lancer International Tennis Championships ngayong umaga sa Rizal Memorial Tennis Center.
Ang 14-anyos na si Lim ay nasa pangangalaga ni Townsend sa L’Academie de Tennis (LAT) Academy sa Florida na pag-aari ng dating Filipino age grouper Patrick Carpio at apat na buwan na siyang nagsasaÂnay dito.
Ayon kay Townsend malaki ang potensyal ni Lim na makilala sa larangan ng tennis dahil sa edad niya ngayon ay hanga na siya sa larong ipinakikita niya.
“At 14, expectations is limitless,†ani Townsend nang humarap sa mga mamamahayag kahapon.
Si Lim ang natatanging Filipino player na direktang nakapasok sa main draw sa Grade 1 tournament na magtatagal sa loob ng isang linggo.
Hindi naman pinangako ng 46-anyos na coach na magkakampeon si Lim dahil pinakabata pa rin siya sa mga kasali pero tiyak na marami siyang maÂpapahirapan.
Hindi rin nagbigay ng anumang prediksyon si Lim sa gagawing kampanya kungdi ang ibibigay lamang ang lahat ng makakaya.
“Goal ko po ngayon ay iimprove ang skills ko. Sa ngayon, gusto kong makita ang level ko sa pagsali ko sa Mitsubishi at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Kung mag-champion bakit hindi pero di ko ito masasabi dahil bilog ang bola,†wika ni Lim na nakasali na rin sa tatlong Men’s Futures qualifying sa US sa taong ito.