MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na taon ay idineklara ang La Salle bilang run-away champion sa UAAP Season 76 sa seniors division.
Nakalikom ng kabuuang 289 puntos ang Archers upang ilagay ang many-time overall champion UST sa paÂngalawang puwesto tangan ang 274 puntos.
Nanguna sa lahok ng La Salle ang men’s at women’s basketball, men’s taekwondo at swimming, at women’s judo at chess.
Nakatulong pa sa koponan ang pagkakalagay sa paÂngalawang puwesto ng koponan sa women’s badminÂton, table tennis, tennis at volleyball bukod sa men’s swimming, fencing at baseball.
Ang pangalawang sunod na titulo ang pumawi sa kabiguan ng women’s paddlers at volleybelles na natalo sa Finals kahit bitbit ang thrice-to-beat advantage.
Malamya ang kampanya ng Tigers sa taon dahil sa women’s taekwondo at poomsae lamang ang kanilang nadomina sa natapos na season.
Pumangatlo ang UP sa 235 puntos bago sinundan ng Ateneo (212), FEU (193), National University (154), UE (138) at Adamson (108).
Gaganapin ang closing ceremony bukas, Marso 19 simula alas-5 ng hapon sa Century Park Hotel Grand BallÂroom sa Manila.