MANILA, Philippines - Aminado si PSC chairman at Chief of Mission sa Asian Games Ricardo Garcia na nag-aalala na siya sa mabagal na pag-usad sa paghahanda ng Pilipinas para sa torneo sa Incheon, Korea.
Sa panayam kay Garcia kahapon, tinuran niya ang pamimilit ng mga National Sports Associations (NSAs) na magpasok ng atletang hindi pasado sa criteria na inilatag ng pinamumunuang Task Force Asian Games ang siyang dahilan kung bakit hindi maÂsimulan ang pagsasaÂnay.
“I’m a little worried because mabagal, bumabagal ito because the NSAs are trying to squeeze in athletes that I feel should not be there,†wika ni Garcia.
Makakasama ang atleta kung siya ay tumapos sa ikalimang puwesto sa isang Asian level tournament o pumangwalo kung lumahok sa World level competition.
Ngunit may mga NSAs na pinipilit ang ibang atleta na wala pang performance naipasok kahit ang mga marka ay malayo kung ikukumpara sa mga makakaribal na Asian athletes sa Incheon.
May inilaan na ang PSC na P50 milyon para sa pagsasanay ng mga papasang atleta pero hindi pa ito nagagamit dahil sa humahabang negosasyon.
Idinagdag pa niya na may mga NSAs din na hinÂdi pa pumapayag sa itinutulak nilang pagsasanay sa ibang bansa katulad umano ng PATAFA na may walong atleta na nakapasa at balak bigyan ng pagsasanay sa US.
Samantala, ngayon o bukas nakatakdang talakayin ang problema nina PATAFA coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero na tinanggalan ng sahod ng PSC dahil sa akusasyong nagpapabaya sa trabaho.
Ibinigay na ng 3-man investigating panel sa paÂngunguna ni POC chairman Tom Carrasco Jr. ang kanilang rekomendasyon kay Garcia kahapon ngunit ang tinutukan lamang ay ang pagpapabaya sa trabaho.