Batch 99, Batch 81 bida sa ERJHS sportsfest

MANILA, Philippines - Nanalo ang Batch 99 sa basketball, namayani ang Batch 81 sa volleyball habang nanaig ang Batch 88 sa badminton at darts tournaments sa pagtatapos ng E. Rodriguez Jr. High School-Alumni Sports Club Sportsfest 2014 sa ERJHS courts sa Mayon Ave., Quezon City.

Sa pangunguna nina MVP awardee Eduard Romero at Mythical Team members Tristan Bondal at Benjie Colastre, na-sweep ng Batch 99 ang kanilang lahat na laro upang masungkit ang titulo sa 12-team, four-group  competition.

Sa final, pinabagsak ng Batch 99 ang Batch 85.

Pumangalawa ang Batch 85, habang ang Batch 94 ay pumangatlo.

Ang iba pang miyembro ng Batch 99 ay sina Cefrimar Latumbo, Alchie Aguas, Ryan Jay Afalla, Mark Anthony David, Ro­nald Manucat, Noel Villar at Erickson Watiwat.

Sa volleyball, pinabagsak ng Batch 81 ang Batch 94 sa semis at pinataob ang Batch 89 sa finals upang angkinin ang korona sa ika-dalawang sunod na taon.

Ang Batch 81 ay su­man­­dal sa solid performance nina Magdalena  Gabriel, Nini Villanueva, Beng Samson, Rica Alon­sagay, Pablo Mananghaya, Fatima Banal, Teresa Re­yes, Caloy Tamayo, Zaldy de la Cruz at Roland Doncillo.

Samantala, ang Batch 88 ay nahirang na winningest batch matapos ang panalo nina defen­ding champions Belinda Ba­luyut at Ohedio Asoy sa badminton at Ricky Sabalboro sa darts.

Show comments