DAET, Camarines Norte, Philippines - Itatampok ang 2nd Daet International Aerosports Show bilang bahagi ng Bagasbas Beach Festival 2014 na nakatakda sa Marso 27-30 sa Barangay Bagasbas.
Pangungunahan ni MaÂyor Tito Sarte Sarion ang nasabing mga aktibidad na kinabibilangan ng beach outdoor fun games, kayaking, paraw regatta, bancathon, aerobics sa beach, water safety training, surÂfing and kiteboarding clinic and competition, search for Mr. and Ms. Bagasbas Beach Bodies at Bicol Ecological Camp on Outdoor Leadership (BeCool) activities.
Ang International Aerosports show na lalahukan ng ibat ibang bansa ay idaraos sa pakikipagtulungan ng Bagasbas Beach Development Council (BBDC), Philippine Paragliding and Hang-Gliding Association (PPHGA) at Mikes Kites.
Pasisimulan ang Aerosports show sa isang makulay na motorcade sa poblacion ng Daet kasama ang mga foreigners entries patungong Bagasbas Airport para sa isang programa.
Ayon pa kay Mayor Sarion, noong 2013 ay umaabot sa 100 local at International paragliders at piloto mula sa bansang Asia at Europe ang nakilahok sa 1st International Paragliding and Hanggliding towing competitions.