MANILA, Philippines - Pangungunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kontribusyon ng bansa sa 1st International Day of Sports for Development and Peace sa Abril 6.
Ang proyektong ito ay isinusulong ni Prince Albert II ng Monaco sa hangarin niya na gamitin ang sports para magkaroon ng kapaÂyapaan ang mundo.
Ang Maguindanao Province ang siyang napili ng PSC sa pangunguna ni chairman Ricardo Garcia para dito isagawa ang selebrasyon sa pamamagitan ng ‘Football for Peace’ tournament.
“We share the vision of Prince Albert II and our contribution is to hold a one-day football tournament in Maguindanao,†ani Garcia.
Makakatuwang ng PSC ang pamahalaang lokal sa Maguindanao sa panguÂnguna ni Governor Esmael “Toto†Mangudadatu.
Nakikiisa rin ang Secretary for Peace Process na si Teresita Quintos-Deles bukod sa Philippine Football Federation (PFF).
Personal na hiningi ni Prince Albert II ang suporta ng Pilipinas nang maÂkausap si Garcia noong dumalo ito sa World Peace and Sports Congress sa Monaco.
Si Prince Albert II ay isang five-time Olympian at opisyales din ng International Olympic Committee (IOC) kaya’t alam niya ang kahalagahan ng palakasan sa ikagaganda ng relasyon ng bawat bansa bukod sa buti nito sa paghubog ng maayos na mamamayan.
Bukod sa football ay may isasagawa rin na mga seminars para makatulong na mapag-isa ang mga tao sa Maguindanao. (AT)