Sa hangaring masikwat ang Foundation Cup Title itotodo na ng Road Warriors
MANILA, Philippines - Mas makikitaan ng init ng paglalaro ang NLEX Road Warriors sa PBA D-League Foundation Cup na bubuksan sa Marso 23 sa The Arena sa San Juan City.
Sa conference na ito natapos ang pamamaÂyagpag ng Road Warriors sa liga nang matalo sila sa Blackwater Sports sa Finals noong nakaraang taon.
Pinuntirya ng tropa ni coach Boyet Fernandez na mahagip sana ang ikalimang sunod na korona na naunsiyami nang walisin sila ng Elite sa best-of-three series.
Nakabawi na ang NLEX sa kabiguang iyon nang kunin ang Aspirants Cup title sa 2-0 sweep laban sa Big Chill pero hindi makokonÂtento ang Road Warriors kung hindi mababawi ang dating kampeonato.
“For us, losing the FounÂdation Cup last year is still our motivation,†banggit ni Fernandez.
Galing sa bakasyon ang koponan at unti-unti pa lamang na ibinabalik ang kanilang kondisyon.
Bagama’t buo pa rin ang manlalaro ng koponan, may punto sa liga na hindi nila makakasama ang mga San Beda players sa paÂnguÂnguna nina 6’8 center Ola Adeogun at Art dela Cruz Jr. dahil sa taunang pagsasanay sa labas ng bansa bilang bahagi ng paghahanda para sa 2014-15 NCAA season.
“I expect a tough confeÂrence ahead of us due to the fact that the San Beda players and some of my coaches will be leaving for a yearly out of the country training in preparation for the upcoming NCAA season. But we will do our very best to be competitive this conference,†paniniyak ni Fernandez.
Tiyak na isasandal niya ang kampanya sa mga beterano sa pangunguna nina gunners Garvo Lanete, Kevin Alas, Ronald Pascual, Jake Pascual at Matt Ganuelas na nagbabalak din na gawing huling D-League conference ang Foundation Cup dahil sa plaÂnong pag-akyat sa PBA.
Masusukat ang determinasyon ng NLEX sa kanilang unang laro dahil ang Blackwater Sports ang siyang sinasabing unang asignatura ng multi-titled team.
Bukod sa Elite, tiyak na magnanais na makabawi sa NLEX ang SupercharÂgers habang ang iba pang kasapi na Cagayan Valley, Cebuana Lhuillier, Boracay Rum, Hog’s Breath, Café France, Jumbo Plastic at Derulo Accelero ay ginagawa rin ang lahat para maikondisyon ang mga sarili at maging palaban sa titulo.
- Latest