MANILA, Philippines - Pinalakas ni Kyle Benjamine Parpan ang paghahabol para sa puwesto sa main draw sa boys singles ng 25th Mitsubishi Lancer International Junior Tennis Championships nang talunin si US netter Andre Ilagan sa pagbubukas ng qualifying leg kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Halos walang errors na naipakita si Parpan tungo sa madaling 6-2, 6-3, paÂnalo kay Ilagan na nakabase sa Hawaii.
Si Parpan na naglalaro rin sa La Salle sa UAAP ay nagnanais na makapasok sa main draw sa ikatlong sunod na taon ng kompeÂtisyon at mangyayari ito kung tatalunin niya ang kababayang si Joachim Samson ngayong umaga.
Nakalaro si Parpan sa main draw sa huling dalawang edisyon ng kompetisÂyon pero hindi siya pinalad na umabante sa second round nang nasibak laban sa mga de-kalidad na daÂyuÂhang katunggali.
Hindi naman pinalad si Cenon Gonzales Jr. laban sa German na si Boris Klingebiel nang isuko ang 6-0, 6-1, pagkatalo.
Umabante sa qualifying round finals sina Jerome Romualdez, Vince Russell Salas at Stefan Agustin Suarez nang talunin ang mga kababayang sina Kurt Dewey Mosqueda (6-1, 6-0), Marcus Del Rosario (6-0, 6-3), at Argil Lance Canizares (6-0, 6-4) ayon sa pagkakasunod.
Kalaban ni Romualdez si Marco Lam ng Hong Kong, si Salas ay masusukat kay Jack Wong ng Hong Kong at si Suarez ay mapapalaban kay Joshua Liu ng Singapore.
Wala namang hirap na umusad sa girls main draw sina Frances Angelica Santiago, Chrislyn Colleen Sioson, Maria Angela Sunga at Monica Therese Cruz dahil sa kawalan ng mga kalaban sa qualifying.