^

PSN Palaro

Valdez kinilala ang galing ng Thai coach

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi magagawa ng Ate­neo ang makasaysa­yang pagtatapos sa UAAP women’s volleyball kung hindi dumating ang Thai coach na si Anusorn “Tai” Bundit.

Ganito tinuran ni team captain Alyssa Valdez ang ginawang kampanya ng koponan sa Season 76 na kung saan  naibulsa ng Lady Eagles ang kauna-unahang titulo sa women’s volleyball nang wakasan ang tatlong taong dominas­yon ng La Salle sa ‘di inaasa­hang 25-24, 26-24, 25-21, straight sets panalo noong Sabado sa nag-uumapaw na Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bago ito ay dalawang be­ses na pumasok din ang Ateneo sa Finals sa huling dalawang season pero talunan sila ng Lady Archers sa pagmamando ni coach Roger Gorayeb.

Tinuran ni Valdez na ang pagpapakita ni Bundit ng kanyang nararamdaman sa loob ng playing court ay nakatulong ng ma­laki para lalo silang maging inspirado sa paglalaro.

“Malaking factor na dumating si coach Tai. Sina­sabihan niya kami lagi you are a good player if you believe you can win, you can win. So bakit ikaw as a player magda-doubt ka gayong ‘yung coach mo nagtitiwala sa iyo,” wika ni Valdez.

Idinagdag pa niya na kapag ang manlalaro ay nakasalang sa court, one percent na lamang ang skills dahil halos lahat ng manlalaro sa liga ay mahuhusay kaya’t ang 99 percent ay pawang psychological.

“Yun ang ibinigay niya sa amin. Coach Tai is more of a psychological coach as in everyday isa-psyche ka niya na minsan hindi mo malaman kung galit ba siya. Nag-work talaga ito sa amin,” dagdag ni Alyssa.

Si Tai din ang nagpauso ng meditation sa mga manlalaro sa pagtatapos ng bawat set upang ma-relax ang mga ito na isa rin sa diskarteng naghatid ng panalo.

Marami ang hindi nakapaniwala sa naabot ng Lady Eagles na tumapos lamang sa ikatlong pu­­westo sa elimination round at kinailangang alpasan ang limang knockout games, kasama ang deci­ding Game Four laban sa Archers.

Unang kinalos ng Lady Eagles ang Adamson sa pagsisimula sa step ladder semifinals bago isinunod ang second seed National University sa dalawang magkasunod na laro.

Dehado rin ang Ateneo sa Finals dahil may thrice-to-beat advantage ang Lady Archers bunga ng 14-0 sweep sa elimination round.

Ngunit inalis agad ng Ateneo ang bentahe ng La Salle nang kunin ang Game One sa apat na sets. Lumapit ang Lady Archers sa isang panalo tungo sa makasaysayang ‘4-peat’ nang magwagi sa ikalawang salpukan na umabot din sa apat na sets.

Pero hindi paaawat ang Lady Eagles na naipakita ang puso matapos itakas ang five-setter panalo sa Game Three at ang mo­men­tum na ito ay hindi na binitiwan noong Sabado.

Si Valdez ang siya ring lalabas bilang kauna-una­hang manlalaro na itinalaga bilang MVP sa Season at Finals pero hindi niya inangkin ang kredito sa panalo.

“Everyone played real­ly well. Naging blessing in disguise sa amin ang mga nangyaring injuries kina Ana (Gopico) at Margarita (Tejada). Nawala rin si coach Tai sa first round meeting with La Salle. Pero nag-adjust kami sa rotation and every game talagang focused kami sa ipinagagawa ni coach. Nag-double time kami so siguro iyon din ang nag-push pa sa amin kung bakit kami nakaabot dito,” dagdag ni Valdez.

Si Amy Ahomiro na ginawang middle spiker matapos ang injury kay Gopico ay lumutang ang laro sa Finals tulad ng mga baguhang sina Michelle Kathereen Morente at setter Julia Melissa Morado at Jorella Marie De Jesus.

Ang nagbigay ng ma­t­inding depensa ay ang liberong si Dennis Michelle Lazaro.

 

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

BUNDIT

COACH

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

SHY

VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with