Bolts pinaluhod ang Batang Pier: E-Painters binigyan ni Chan ng buwenamanong panalo

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Talk ‘N Text vs Barako Bull

5:15 p.m. Ginebra vs San Mig Coffee

 

MANILA, Philippines - Nagsalpak si Jeff Chan ng apat sa kanyang anim na three-point shots sa final canto para ihatid ang Elasto Painters sa kanilang unang panalo.

Tumapos si Chan na may 24 points sa 92-78 paggiba ng Rain or Shine sa nagdedepensang Alaska sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Si Chan, miyembro ng Gilas Pilipinas, ang nagligtas sa Elasto Painters nang makabangon ang Aces sa fourth quarter mula sa isang 18-point deficit.

Nakalapit ang Alaska sa 68-72 agwat bago ang mainit na pagbuslo ni Chan sa three-point range para sa Asian Coating franchise.

Mula sa 74-70 abante ng Elasto Painters ay kumamada si Chan ng tatlong dikit na tres, habang tumipa si import Alex McLean ng dalawang free throws para ibaon ang Aces sa 85-72.

Sa ikalawang laro, itinala ng Meralco ang kanilang ikalawang sunod na ratsada matapos kunin ang 104-99 panalo kontra sa Globalport.

Nagsalpak si 6-foot-10 import Brian Butch ng isang tres sa huling 42 segundo para ilayo ang Bolts sa 100-97 matapos makatabla ang Batang Pier mula sa dalawang charities ni balik-import Evan Brock

 Kasalukuyang tangan ng Talk ‘N Text ang lide­rato mula sa kanilang 3-0 record kasunod ang San Miguel Beer (2-1), Air21 (2-1), Meralco (2-1), San Mig Coffee (1-0), Rain or Shine (1-1), Barangay Ginebra (1-1), Barako Bull (1-2), nagdedepensang Alaska (1-3) at Globalport (0-4).

Rain or Shine 92 -- Chan 24, McLean 19, Lee 11, Almazan 9, Tiu 9, Araña 8, Rodriguez 4, Cruz 3, Belga 2, Tang 2, Norwood 1, Teng 0, Ibañes 0.

Alaska 78 -- Dozier 27, Jazul 9, Thoss 8, Hontiveros 7, Casio 5, Abueva 5, Manuel 5, Dela Cruz 2.

Quarterscores: 18-17; 38-32; 69-58; 92-78.

Meralco 104 -- Butch 42, David 16, Caram 9, Hugnatan 9, Wilson 8, Mandani 6, Hodge 6, Ildefonso 5, Guevarra 3, Al-Hussaini 0, Artadi 0.

Globalport 99 -- Brock 32, Romeo 21, Ponferrada 10, salvador 6, Custodio 6, Washington 5, Macapagal 5, Salva 4, Yee 3, Cabagnot 3, Nabong 2, Garcia 2, Chua 0.

Quarterscores: 27-28; 56-41, 84-74, 104-99.

Show comments