EL SEGUNDO, California - Matapos ideklara ng Los Angeles Lakers na hindi na makakaÂlaro si Kobe Bryant sa buong season ay nag-isip na siya kung paano matutulungan ang Lakers sa sandaling bumalik siya.
Ipinadama ni Bryant ang kanyang pagkadismaya matapos ihayag na tinatapos na niya ang kanyang ika-18th NBA season matapos ang anim na laro.
Ang nabaling buto sa kanyang kaliwang tuhod ang nagpatigil sa superstar guard bago ang Pasko at hindi rin makayanan ang weight-bearing exercise.
Sa huling limang linggo sa kanilang season ay nagdesisyon ang Lakers (22-42) na ireserba si Bryant para sa susunod na season kung saan siya ay magiging 36-anyos.
Bagamat hindi masyadong nakalaro, determinado naman si Bryant na hindi pa mararanasan ng Lakers ang kamalasan ngayong season para sa 2014-15.
Tinawagan ng fourth-leaÂding scorer sa NBA hisÂtory si team owner Jim Buss para magbalangkas ng “a clear direction†ukol sa pagbabalik ng prangkisa sa ibabaw matapos mabigong makapasok sa playoffs na ikalawang pagkakataon laÂmang niya mararanasan sa kanyang NBA career.
“You’ve got to start with Jim,†ani Bryant.