14 PATAFA coaches pinagre-resign IAAF inatasan si GTK na imbestigahan sina Sy, Hamero
MANILA, Philippines - Bumuo si PATAFA president Go Teng Kok ng komite na susuri sa kasong kinakaharap nina Joseph Sy at Rosalinda Hamero.
Ang aksyon ni Go ay hiwalay sa ginawang imÂbesÂÂÂtigasyon ng PSC at ito ay bilang pagtalima sa rekoÂmendasÂyon ng International Athletics Federation (IAAF) at Asian Federation.
“I have talked with the IAAF and AAA and they told me on things that I should do and not to do. They told me that the investigation being done by PSC may fall under government intervention. So I will form a separate committee to look into allegations against Sy and HaÂmero,†wika ni Go.
Kasabay nito ay hiningi rin ni Go ang courtesy resignation ng lahat ng 14 coaches na nasa PATAFA para bigyan siya ng laya sa ginagawang paglilinis sa kanilang hanay.
Si Sy ay inalis na rin bilang head coach at itinalaga si Agustin Jarina bilang acting head coach.
Inatasan din niya si Jarina na kausapin ang kanilang hanay upang ayusin ang mga problema na nagresulta para magkaroon ng paksyon sa PATAFA.
Nakausap na rin ni Go si three-time SEA Games gold medalist Henry Dagmil at coach Arnold Villarube na gumawa ng hakbang para lalong madiin si Sy.
Si Dagmil na alaga ni Sy mula pa noong naglalaro ito sa Mapua ay sinabing tunay na pinabayaan siya nito mula noong napasok sa national team noong 2000 at ibinuko pa na nagpapautang at kinukuha ang ATM ng mga umutang.
Sa kabilang banda, si Villarube ay isa sa apat na PATAFA members na nagsagawa ng affidavit para paÂtunayan na hawak ni Sy ang kanilang ATM.
Tiniyak din ni Go na gaÂÂgawin niya ang lahat upang maayos na ang probÂlema at maibalik ang magandang samahan sa PATAFA.
Samantala, sa Biyernes pa makakapagsumite ng rekomendasyon ang 3-man panel na nag-imÂbestiga sa problema nina Sy at Hamero.
Sina POC chairman Tom Carrasco Jr., PSC Legal head Atty. Yen Chan at badminton coach Allan de Leon ang sumuri sa akusasyon sa dalawa at may hinihintay pang paÂÂpeles bago pormal na maibigay ang kanilang reÂkoÂmendasyon sa PSC board. (AT)
- Latest