MANILA, Philippines - Sa kanyang unang sparring session sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California ay kaagad na pinadugo ni Manny Pacquiao ang ilong ng isa niyang sparmate.
Nakipagsabayan ang 35-anyos na si Pacquiao sa dalawang sparmates sa loob ng anim na rounds kung saan napadugo niya ang ilong ng isa rito.
“Ganda naman. Ayos naman ‘yung first day dito sa America. Jet lag pa so adjust pa konti pero I’m getting there and the condition... And speed. So no problem,†wika ni Pacquiao sa panayam ng ABS-CBN North America News Bureau.
Ang mga sparmates ni Pacquiao ay dating world champions na sina Kendall Holt at Steve Forbes, Lydell Rhodes at Mexican fighter Speedy Gonzales.
Ito ang unang sparring session ni Pacquiao sa bagong gawang private extension sa Wild Card Gym.
“I like it. I love it. It’s very private for me to train here and no other boxer except me and my sparring partners,†sabi ni Pacquiao.
Nakatakdang hamunin ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si World Boxing Organziation (WBO) welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. (31-0-0, 12 KOs) sa kanilang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Nangako si Pacquiao na hindi na siya magiging ‘mabait’ sa 30-anyos na si Bradley matapos ang kanyang split decision loss sa huli noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand.