MANILA, Philippines - Nakita na may paksÂyon ang PATAFA nang luÂmabas si Henry Dagmil para tirahin ang kanyang coach na si Joseph Sy na inaÂakusahan ng Philippine Sports Commission (PSC) na hindi naÂgaÂgampanan ang trabaho katulad ng assistant na si RoÂsalinda Hamero.
Sa tanggapan ni PSC Commissioner Jolly Gomez humarap sa mga maÂÂmamahayag si Dagmil at tinawag si Sy na maÂÂkapangyarian at tila paÂÂÂngulo ng PATAFA sa panahong hindi nakakapunta si Go Teng Kok.
“Puwede niya kaming tanggalin sa talaan at ilang beses na niya rin akong binalaan na aalisin,†wika ni Dagmil, isa sa anim na manÂlalaro na nanalo ng ginÂtong medalya sa long jump event sa Myanmar SEA Games.
Pinatotohanan din niya ang akusasyon ni Gomez na hindi nagagawa ni Sy ang kanyang trabaho dahil mula nang napasok siya sa national team noong 2000 ay hindi siya nabigyan ng matinong programa.
Si Sy ay coach din ni DagÂmil sa Mapua at siya ang nagpasok sa kanya sa national team.
“Lagi akong humihingi sa kanya ng programa pero wala siyang naibibigay. KaÂya noong 2008 Beijing Olympics ay bumaba ang perÂformance ko,†wika pa nito.
Hindi rin niya binigyan ng kredito si Sy sa mga gintong medalya na kanyang nahablot sa SEA Games noong 2005 sa Manila at 2007 sa Thailand bukod sa Myanmar dahil sariling kayod umano ang lahat ng ito.
Ibinuko pa ni Dagmil si Sy na nagpapautang at ang mga ATMs na mga biÂnigyan ay nasa kanyang paÂngangalaga.
Si Dagmil ang kauna-unaÂhang atleta ng PAÂTAFA na lumabas at nagsalita peÂro nauna rito ay apat na kasapi ng asosasyon sa paÂngunguna nina coach ArÂnold Villarube at Jesson Ramil Cid na gold meÂdalist sa Myanmar ay naglabas ng affidavit patungkol sa pagkuha ni Sy sa kanilang ATM matapos mangutang.
Naniniwala si Gomez na tumibay pa ang kanyang itinutulak na mawala sa talaan ng PSC sina Sy at Hamero dahil sa baÂgong akusasyon hinggil sa paghawak ni Sy sa ATM ng mga manlalaro na ipinagbabawal ng komisyon.(ATan)