Pacquiao sinimulan ang pagsasanay sa United States

Si Manny Pacquiao habang nasa gitna ng kanyang workout sa Griffith Park sa Los Angeles kasama sina assistant trainer Buboy Fernandez at strength and conditioning coach Justin Fortune. (Philboxing.com/Jhay Otamias)  

MANILA, Philippines - Kagaya ng inaasahan, muling pinabilib ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang kanyang mga na­kasabay sa pagtakbo sa Griffith Park sa Los Angeles, California.

Iniwan ng 35-anyos na si Pacquiao ang kanyang mga nakasabay sa pagtakbo sa naturang parke kasunod ang kanyang stretching na pinamahalaan nina Filipino assistant trainer Buboy Fernandez at strength and conditioning coach Justin Fortune.

 Pinaghahandaan ni Pacquiao ang kanilang rematch ni world welterweight titlist Timothy Bradley, Jr. sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nangako si Pacquiao na hindi na siya magiging ‘ma­bait’ kay Bradley sa kanilang ikalawang sunod na pag­haharap matapos matalo via split decision noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand.

Nauna nang binuksan ni Pacquiao ang kanyang trai­ning camp sa General Santos City katulong si Fernandez at sparmate Lydell Rhodes.

"As the camp goes, he’s cutting off the ring more, he’s making me fight at his pace, which is fast and furious. He throws a lot of combinations, a lot of punches. He stays on me, going to the body, working the head, doing everything," wika ni Rhodes (19-0-0, 9 KOs), sa isang panayam ng On The Ropes Boxing Radio.

Naniniwala si Rhodes na makakabawi si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) sa 30-anyos na si Bradley (31-0-0, 12 KOs) sa kanilang rematch.

Sa kanyang sparring session sa Wild Card ay makakatapat ni Pacquiao sina dating world champions na sina Kendall Holt at Steve Forbes at Mexican fighter Speedy Gonzales.

Show comments