MANILA, Philippines - Bubuksan ng San Mig Coffee ang kanilang kamÂpanya sa 2014 PBA ComÂmissioner’s Cup sa pagÂsagupa sa minamalas na Globalport.
Lalabanan ng Mixers, ang 2014 PBA Philippine Cup champions, ang GloÂbalÂport ngayong alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng nagdedepensang Alaska Aces at Meralco Bolts sa alas-5:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.
Ibabandera ng San Mig Coffee si 6-foot-8 import James Mays, muntik nang paÂlitan si Renaldo Balkman ng Petron Blaze noong naÂkaraang taon, laban kay baÂlik-import Evan Brock ng GloÂbalport.
Nanggaling ang Batang Pier sa 77-93 kabiguan sa Aces noong Marso 9.
Kasalukuyang magkaÂsalo sa liderato ang Talk ‘N Text at San Miguel Beer sa magkatulad nilang 2-0 reÂcord kasunod ang Alaska (1-1), Barangay Ginebra (1-1), Air21 (1-1), Barako Bull (1-1), San Mig Coffee (0-0), Meralco (0-1), Rain or Shine (0-1) at Globalport (0-2).
Sa unang laro, target ng Aces, umiskor ng 93-77 panalo sa Batang Pier, ang kaÂnilang ikalaÂwang sunod na panalo sa pagÂsagupa sa Bolts. (RCadayona)