MANILA, Philippines - Sa araw na hinirang siya bilang Most Valuable Player, si Ateneo star Alyssa Valdez ang sinasabing naging dahilan ng kabiguan ng Lady Eagles sa La Salle Lady Archers sa UAAP women’s volleyball championships.
Matapos humataw ng back-to-back aces para itabla ang Ateneo, nakaÂgawa naman si Valdez ng krusyal na service error isa sa fourth set na nagpanalo sa La Salle.
Ang error ni Valdez ang nagbigay sa Lady Archers ng isang free point at nakuha ang match point para sa kanilang 25-14, 25-20, 19-25, 26-24 panalo noong Sabado.
Ang isa pang tagumpay ng La Salle ang magbibigay sa kanila ng ikaapat niÂlang sunod na UAAP SeaÂson 76 women’s volleyball crown.
Subalit positibo ang tingin ni Valdez sa kabiguan ng Lady Eagles.
“Ikaw ang team captain tapos ikaw pa ang nag-let-down sa team; syempre masakit sa sarili ko yun,†sabi ng Batangueña.
“Pero sabi nga ng teammates ko, saka coaches, okay lang. At sabi rin ni Sir Tony (Ateneo team maÂnaÂger Tony Liao), kung hindi naman sa aces ko hindi rin mag-24 all at hindi mae-extend ang set. Siguro may purpose naman lahat ng nangyari today. Hopefully, we’ll play better next game,†dagdag pa nito.
Bumangon ang La Salle, may bitbit na ‘thrice-to-beat’ advantage sa Finals, mula sa isang 25-17, 23-25, 13-25, 20-25 kabiguan sa Ateneo.
Hangad ng Lady Archers ang kanilang ‘four-peat’ sa UAAP volleyball na huling nagawa ng FEU noong 1970s.
“Kailangan talagang ibaÂlik ang momentum sa amin para hindi na uli magkaroon ng lakas ng loob ang kalaban,†wika ni DLSU coach Ramil de Jesus.