MANILA, Philippines - Kailangan palakasin ang ginagawang panguÂngumbinsi sa pound for pound king Floyd Maywea-ther Jr. para maganap ang pinakahihintay na pagkikita nila ni Pambansang kamao Manny Pacquiao.
Ito ay matapos ihayag ni Mayweather na tatlong laÂban na lamang ang kanyang gagawin matapos ang sagupaan nila ni Marcos MaiÂdana na nakakalendarÂyo sa Mayo 3 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Kung dalawang laban ang balak gawin ni MayweaÂther sa taong ito, mangaÂngahulugan na huling taon na niya ang 2015.
Hinarap ng WBC welterÂweight na si Mayweather ang mga mamamahayag sa press conference para sa laban nila ni Maidana at inamin din niya na totoo na namimili siya ng mga maÂkalalaban.
Pero hindi ito nangangahulugan na umiiwas siya na harapin ang mga malalaking pangalan sa sport na ito.
Ang gusto umano niyang kalaban ay isang bokÂsingero na nakuha ang kanyang paghanga dahil sa ginawa sa ibabaw ng ring.
Tinuran pa niya si MaidaÂna na kanyang pinili laban kay Amir Khan na naunang pumutok ang pangalan bilang kalaban ni Mayweather.
Pero napahanga siya sa galing ng 30-anyos na ArÂgentinian boxer matapos gulatin ang lahat nang agawin ang WBA title ni Adrien Broner sa pamamaÂgitan ng unanimous decision noong Disyembre..
May tsansa naman si Pacquiao na painitin pa ang pangalan bilang posibleng kalaban ni Floyd pero kailaÂngan niya na makapagtala ng matinding panalo kay WBO welterweight champion Timothy Bradley sa kanyang rematch sa Abril 12 sa MGM Grand Arena.