SAN ANTONIO--NagÂlista si Tony Parker ng 30 puntos, habang nagdagdag ng 24 si Manu Ginobili sa 121-112 paggupo ng San Antonio Spurs laban sa Orlando Magic.
Nag-ambag si Kawhi Leonard ng 17 puntos kasunod ang 14 ni Tiago Splitter, 12 ni Danny Green at 11 ni Tim Duncan na kumolekta ng 10 rebounds para sa Spurs (46-16).
Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Spurs.
Umiskor naman si Tobias Harris ng 23 puntos, samantalang nagtala si Nikola Vucevic ng 19 puntos at 13 rebounds at may 17 marÂkers si Arron Afflalo para sa Orlando (19-45).
Nagmula sa 111-87 panalo laban sa Miami Heat dalawang gabi na ang nakararaan sa kanilang NBA Finals rematch, hindi naging maganda ang simula ng San Antonio laban sa kulelat na koponan sa Southeast Division.
Sa Los Angeles, tumipa si Blake Griffin ng 27 puntos at 7 rebounds at nagdagdag ng 19 puntos si Chris Paul kasama ang isang go-ahead layup sa huling minuto para igiya ang Los Angeles Clippers sa 109-108 panalo kontra sa Atlanta Hawks.
Nakamit ng Clippers ang kanilang pang-pitong sunod na panalo.
Nakahugot ang Pacific Division-leading na Clippers ng 13 puntos at 12 rebounds mula kay DeAndre Jordan at 17 puntos kay Matt Barnes.
Nagsalpak si Griffin ng 11-of-19 shots para sa Los Angeles.
Pinamunuan ni DeMarre Carroll ang Atlanta sa kanyang 19 puntos.
Ito ang ika-14 kabiguan ng Hawks sa kanilang huÂling 15 laro.
Sa Memphis, TennesÂse, pumitas si Mike Conley ng 20 puntos, nagdagdag si Zach Randolph ng 16 puntos at binalikat ng Grizzlies ang kanilang opensa sa second half upang taluÂnin ang Charlotte Bobcats, 111-89.
Nag-ambag si Marc Gasol ng 14 puntos at siyam na rebounds, habang kumamada si Kosta Koufos ng 11 mula sa kanyang 12 puntos sa final canto at 10 rebounds.
Ibinandera ni Al JefferÂson ang Bobcats sa kanyang 17 puntos kung saan umasinta ito ng 7-of-17 mula sa field.
Binuksan ng Memphis ang laro sa halftime sa pagÂlimita sa Charlotte, 59-45 sa final quarters.
Sa iba pang laro, tinalo ng New York Knicks ang Cleveland CavaÂlÂliers,107-97; nagwagi ang Washington Wizards sa Milwaukee Bucks, 114-107.