3rd win pakay ng Judiciary vs DOJ

MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na panalo ang balak kunin ng nagde­depensang kampeon na Judiciary sa pagpapatuloy ng UNTV Cup Season 2 ngayon sa Meralco Gym.

Kalaban ng Magis ang DOJ sa ikalawang laro na mag­sisimula matapos ang bakbakan ng Senate at Malacañang sa ganap na alas-3 ng hapon.

Sa mahusay na pagdadala nina Celedon Camaso, Ariel Capus at John Hall, naipanalo ng Magis ang ka­nilang unang dalawang laro para ipakita ang kahandaan na palawigin ang dominasyon sa liga na isang public service basketball tournament.

Inaasahang magpapatuloy ang solidong kontribusyon ng tatlo para mapaboran sa Avengers na natalo sa kanilang unang laro kontra sa AFP-Cavaliers.

Ang mga laban ay mapapanood ng live sa UNTV 37 at sa free live web streaming na UNTVweb.com.

Show comments