MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng GiÂnebra San Miguel ang ika-180 na taon nito sa paÂÂmamagitan ng pagluÂlunsad ng isang traveling exhibit na maglalahad ng kasaysayan ng produktong tinaguriang, “the world’s largest-selling ginâ€.
Samu’t saring kaalaman tungkol sa isa sa mga pinaka-unang produkto ng Pilipinas, na lumabas noong ika-10 ng Marso taong 1834, ang makikita sa naturang exhibit.
Kasama rito ang eboÂlusyon ng bote ng Ginebra San Miguel, na nagsimula sa mga sinaunang malaÂlaking sisidlan na tinatawag na dama juana, hanggang sa kilalang bilog at kuwatro kantos.
Ilalahad din nito ang kuÂwento tungkol sa label ng bote na ipininta pa ng National Artist na si FernanÂdo Amorsolo. Kasama rin sa exhibit ang ilan sa mga pinaka-popular na patalastas sa telebisyon, radyo at diyaryo. Bibisita ang traveling exhibit sa mga kolehiyo, unibersidad at mall sa buong bansa ngaÂyong taon. Kasabay nito, maglalabas din ang Ginebra San Miguel ng anÂniversary booklet at commemorative bottles upang ipagdiwang ang naturang anibersaryo.
“Higit pa sa pagdiriwang ng isang kilalang produktong may tatak-Pilipino, ang ika-180 taong anibersaryo ng Ginebra San Miguel ay pagbibigay-pugay sa mga Pilipino, isang lahing may never-say-die spirit,†sabi ni GSMI president Bernard D. Marquez.
“Ang tagumpay na naÂkamit ng Ginebra sa nakaraang 180-taon ay dahil sa pagtangkilik at suporta ng maraming henerasyon ng Pinoy na talagang tiÂnanggap at inangkin ang produkto bilang bahagi ng tradisyong Pilipino. Sa pamamagitan ng mga espesyal na proyektong ito, nais naming ipagdiwang ang lahing Pilipino. Kung wala sila, walang Ginebra San Miguel.â€
Bahagi rin ng paglulunÂsad ng traveling exhibit, anniversary booklet, at commemorative bottle ang iba’t ibang raffle promo na gagawin sa buong taon at isang programang pang-corporate social responsibility (CSR) kung saan 180 na katao ang mabibigyan ng mga scholarship at kabuhayan.
Bahagi rin ng pagdiriwang ang Ginuman FestiÂval 2014 na nagsimula noong Enero sa Tutuban Center sa Tondo. Kabilang sa mga banda na nakisaya ay ang Itchyworms, Callalily at Rocksteddy. Kasama ng mga banda sina Jhong Hilario, Solenn Heussaff at 2014 Ginebra San Miguel calendar girl Marian Rivera.
Mula sa Tondo ay maÂgagawi ang Ginuman Fest sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng Imus, Cavite; San Fernando, La Union; Calapan, Mindoro; Batangas City; Tagudin, Ilocos Sur; Bayambang, Pangasinan; San Jose, Nueva Ecija; Cauayan, Isabela; Baliuag, Bulacan; Bayombong, Nueva Vizcaya; Tuguegarao, Cagayan Valley; Daet, Camarines Norte; at San Juan, Metro Manila.
Noong 2013, nakamit ng Ginebra San Miguel ang ika-anim na Gold Quality Medal at ikalawang InterÂnational High Quality Trophy mula sa tanyag na Monde World Selection sa Belgium. Dagdag pa rito sa pagkakapili sa brand bilang numero unong gin sa mundo ng kinikilala at respetadong global drinks journal na Drinks International.