^

PSN Palaro

Slaughter nagparaya sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagamat masakit sa kanyang kalooban ay mas minabuti ni Barangay Ginebra seven-foot rookie Greg Slaughter na bumitaw sa national pool ng Gilas Pilipinas na sasabak sa darating na FIBA World Cup sa Spain at sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Sa kanyang pahayag kahapon, sinabi ni Slaughter na mas karapat-dapat ang mga players na nagsakripisyo para mapasama sa Gilas Pilipinas.

“The thing is they started back in August I think those fellows should be the ones to go there,” pagpaparaya ni Slaughter.

Si Slaughter, kagaya ng mga bagong hinirang ni head coach Chot Reyes sa national pool na sina Paul Lee ng Rain or Shine at Jared Dillinger ng Meralco, ay hindi kasama sa koponang kumuha ng silver medal sa 2013 FIBA-Asia Championships noong Agosto para makapasok sa 2014 FIBA World Cup.

Ang bumubuo sa naturang tropa ay sina Jimmy Ala­pag, LA Tenorio, Jayson Castro, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Ranidel Ocampo, Marc Pingris, Japeth Aguilar, Junemar Fajardo at natura­lized player Marcus Douthit.

Si Beau Belga ay nagsilbing reserve player.

Si Slaughter ay nauna nang naging miyembro ng Gilas Pilipinas ni Serbian mentor Rajko Toroman.

Umaasa si Reyes na mabibigyan ng Filipino citi­zenship si Brooklyn Nets forward Andry Blatche para makatulong sa kampanya ng Gilas PIlipinas sa FIBA World Cup.

ANDRY BLATCHE

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIAN GAMES

AUGUST I

BARANGAY GINEBRA

BROOKLYN NETS

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

SI SLAUGHTER

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
43 minutes ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with