MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa ikatlong edisyon ng Vaseline Men XTERRA Off-Road Triathlon Series sa Marso 15 sa Siniloan Cebu.
Pormal na inilunsad ang nasabing kompetisÂyon na handog ng Sunrise Events kahapon sa Milky Way Restaurant sa Makati City at naniniwala ang mga nasa likod ng off-road triathÂlon race na magiÂging matagumpay uli ang karera tulad sa naunang dalawang edisyon.
“Ang Pilipinas ay gustong pinupuntahan ng mga dayuhang triathletes dahil maayos tayo magpakarera at mag-estima ng bisita. Ang karerang ito ay parte sa Triple Crown chamÂpionships dahil may dalawa pang karera na ginagawa sa Saipan at Guam. Pero mas gusto nilang pumunta rito,†pagmamalaki ni race director Princess Galura.
May 13 dayuhan ang maglalaban-laban sa $15,000.00 prize money sa Pro Elite ang mangunguna rito ang two-time defending champion na si Ben Allen ng Australia sa kalalakihan at kababayan at 2012 female champion na si Renata Bucher.
Ang pumangalawa kay Allen noong 2013 na si Dan Hugo ng Russia ay babalik din habang ang iba pang nagpatala na ay sina Russian Bradley Weiss, Dimity Duke ng Australia, Shahrom Abdullah ng Malaysia, Charlie Epperson ng Guam at John Kuzek ng Czech Republic.
Sina Daz Parker ng UK, Carina Wasle ng Australia at Mieko Carey ng Guam ang kalahok sa kababaihan.
Magkakaroon din ng Filipino Male at Female Elite at sina Joseph Miller at Alexandra Ganzon ang mga nagdedepensang kamÂpeon.
May P120k premÂyo ang paglalabanan sa naÂsabing dibisyon at ang mananalong tatlong finishers ay may P30,000.00, P20,000 at P10,000 premyo.
Ang main race ay sa 1.5-km swim, 35-km mountain bike at 9.2-km trail run.