MANILA, Philippines - Dapat na mag-isip-isip na ang mga national coaches na nagsa-sideline sa ibang koponan para madagdagan ang kanilang kinikita.
Inihayag ni PSC chairman Ricardo Garcia na rerebisahin ng Komisyon ang talaan ng mga national coaches at handang bawasan ang tinatanggap na buwanang sahod na P20,000.00 kung may iba pa itong hinahawakang koponan.
“Don’t say you’re a full-time coach with the national team when you’re not,†wika ni Garcia.
Hindi naman ngayon lamang ito nangyayari na ang isang national coach ay coach din ng isang paaralan o sa iba pa.
May ilan ngang national coaches ay kasapi sa Armed Forces of the Philippines at tumatanggap ng hiwalay na sahod.
Nilinaw naman ni Garcia na hindi siya tutol na humawak ang isang national coach ng ibang trabaho sa labas pero dapat ay mas prayoridad niya ang Pambansang atleta lalo na kung ang mga ito ay may sasalihang kompetisyon sa labas ng bansa.
“Their commitment must be with the national athletes especially if they are preparing for a major international competition,†dagdag ni Garcia.
Ang problema sa coaches ay lumabas matapos alisan ng sahod sina PATAFA coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero bunga ng alegasyon ni Commissioner Jolly Gomez na hindi nila nagagamÂpanan ang kanilang trabaho at may alegasyon din na pineke ang ilang dokumento para mapapasok ang kanilang hawak na manlalaro.
Isang imbestigasyon na ang ipinag-utos ni Garcia sa pagbuo ng komite na siyang didinig sa akusasyon ni Gomez sa dalawa.