Blazers tinapos ang pagha-hari ng Lions sa NCAA
MANILA, Philippines - Ang panalo ng College of St. Benilde sa men’s beach volleyball ang siyang sinandalan ng paaralan para lumabas bilang overall champion sa seniors division sa pagtatapos ng 89th NCAA season.
Ito ang ikaapat na paÂÂnalo ng Blazers sa 11 sports na pinaglalabanan sa pinakamatandang collegiate league sa bansa upang lagyan ng tuldok ang produktibong pagtayo bilang host ng season.
Kampeon din ang St. Benilde sa men’s at woÂmen’s badminton at men’s tennis. Ngunit nakatulong ang paglapag sa pangalawang puwesto ng mga inilahok sa men’s at women’s swimming, men’s chess, woÂmen’s table tennis at women’s taekwondo para makalikom ng nangunguÂnang 550.5 puntos sa overall race.
Natapos ang paghahari ng three-time defending champion San Beda nang kapusin sila ng 5.5 puntos sa pumapangalawang 544 puntos habang ang San Sebastian ang pumangatlo sa 428 puntos.
Ang Arellano ang puÂmang-apat sa 413.5 puntos bago sinundan ng Letran (371), Emilio Aguinaldo College (367), Perpetual Help (340), Lyceum (279), Mapua (170) at Jose Rizal University ( 132).
- Latest