Portland giniba ang Atlanta
PORTLAND, Oregon -- Kumamada si Nicolas Batum ng 14 points at career-high 18 rebounds para akayin ang Trail Blazers sa 102-78 panalo laban sa Atlanta Hawks na tumapos sa NBA-record streak na 127 laro ni guard Kyle Korver na may three-point shot.
Nalampasan na ni Korver ang record na 89 sunod na larong may tres si Dana Barros na itinala noong 1994-96.
Nagposte si Korver ng 0 for 5 shooting sa 3-point range kontra sa Blazers.
Nakamit naman ng Portland, lumamang ng 29 points, ang kanilang ikaanim na panalo sa huli nilang pitong laro.
Ito ang ikaapat na sunod na kamalasan ng Hawks at 12 sa huli nilang 13 asignatura sa kanilang pakikipagÂlaban sa silya sa Eastern Conference playoffs.
Umiskor si Cartier Martin ng 16 points mula sa bench para sa Atlanta.
Nanggaling ang Blazers sa 106-107 kabiguan sa Los Angeles Lakers, tinapos ang five-game winning streak, noong Martes.
Sa Minneapolis, umiskor si guard Raymond Felton ng 18 points at tumipa si Carmelo Anthony ng 33 points para ihatid ang New York Knicks sa 118-106 tagumpay laban sa Minnesota Timberwolves.
Tinapos ng Knicks ang kanilang seven-game loÂsing slump.
Humakot si center Tyson Chandler ng 15 points at 14 rebounds, habang nagdagdag si Amare Stoudemire ng 18 points at 8 boards para sa Knicks, huÂling tinalo ang New Orleans noong Pebrero 19.
Sa iba pang resulta, nanalo ang Charlotte Bobcats sa Indiana Pacers, 109-87; Houston Rockets sa Orlando Magic, 101-89 at Denver Nuggets sa Dallas Mavericks, 115110.
- Latest