MANILA, Philippines – Pormal nang iminungkahi ni PBA board chairman Ramon Segismundo ang pagsali ng men’s national basketball team na Gilas Pilipinas sa ikatlo at huling conference ng PBA na Govenor’s Cup.
Iminungkahi ng chairman ang pagpasok ng Gilas bilang pang-11 na koponan sa liga ngayong Huwebes sa kanilang meeting sa Libis, Quezon City.
Umaasa si Segismundo na magkakaroon ng desisyon ang buong pamunuan ng PBA sa susunod na buwan.
Kaugnay na balita: 16 players ng Gilas pinangalanan na
Si Segismundo ang mga nagsulong na bigyan ng mas mahabang panahon ang Gilas na makapag-ensayo bago sumabak sa FIBA World Cup.
Napagkasunduan ng PBA na paikliin ang kasalukuyang conference na Commissioner’s Cup at ang susunod na Governor’s Cup upang makapag-ensayo ang national team, na binubuo ng mga manlalaro sa mula sa iba’t ibang koponan ng pinakamatandang liga sa Asya.
Nakatakdang sumalang sa world stage ang Gilas sa Agosto kung saan kabilang sila sa group B na makababangga ang mga bansang Senegal, Puerto Rico, Argentina, Greece at Croatia.
Kaugnay na balita: Pagka-pinoy ni Blatche pasado sa house
Samantala, lumusot na naman sa Kamara ang panukalang gawing naturalized player ang Brooklyn Nets Center na si Andray Blatche.