MANILA, Philippines - Kahit paano ay may tsansa na ang Gilas Pilipinas na makakuha ng panalo sa darating na 2014 FIBA World Cup na idaraos sa Spain sa Agosto.
Ito ay matapos aprubahan kahapon ng House Committee on Justice ang isang House Bill na naghahangad na mabigyan ng Filipino citizenship si NBA player Andray Blatche ng Brooklyn Nets.
Sakaling aprubahan din ng Senado at ng Malacañang ay ang 6-foot-9 na si Blatche ang magiging ikalawang naÂturalized player ng Gilas Pilipinas bukod kay 6’11 Marcus Douthit.
Sa 2014 FIBA World Cup ay isang naturalized player lamang ang pinapayagang maglaro para sa isang bansa.
Si Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe ang gumawa ng mosyon para aprubahan ang House Bill 3784 na isinampa ni Antipolo City Rep. Roberto Puno.
Sinabi ni Batocabe na hindi nila inaprubahan ang naÂunang HB 3783 ni Puno na naghahangad na mabigyan ng Filipino citizenship si Denver Nuggets center Javale McGee.
Ang seven-footer na si McGee ay kasalukuyang may injury.
Ang Gilas Pilipinas ay may hanggang Hunyo 30 para isumite sa FIBA World ang kanilang official line-up.
Huling nakapaglaro ang bansa sa FIBA World Cup noong 1978.