MANILA, Philippines - Sisimulan ng Alaska Milk ang pagdedepensa sa kanilang korona sa pagharap sa Talk ‘N Text, habang itatampok naman ng Globalport ang bagong head coach na si Pido Jarencio sa pagharap sa Air21 sa pagbubukas ng 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Lalabanan ng Aces ang Tropang Texters ngayong alas-8 ng gabi matapos ang salpukan ng Batang Pier at Express sa alas-5:45 ng hapon.
Muling ibabandera ng Alaska si Best Import Robert Dozier katuwang sina Cyrus Baguio, Sonny Thoss, Calvin Abueva, JVee Casio, Gabby Espinas at Dondon Hontiveros.
“Not only that he’s a good player, but he’s a good person. We’re just thankful that he’s given us an opportunity to come back,†sabi ni head coach Luigi Trillo sa 6-foot-9 na si Dozier.
Sa likod ni Dozier, winalis ng Alaska ang Barangay Ginebra, ipinarada si 6’9 import Vernon Macklin, sa 3-0 sa kanilang best-of-three championship series noong nakaraang taon.
Iyon na ang huling pagkakataon na naglaro sa isang torneo ang 28-anyos na si Dozier.
Itatapat naman ng Talk ‘N Text ni mentor Norman Black sina reinforcement Richard Howell katuwang sina Jayson Castro, Jimmy Alapag, Ranidel De Ocampo, Ryan Reyes, Kelly Williams at Larry Fonacier.