Seaoil NBTC cast napili na

MANILA, Philippines - Ang patuloy na pag­lahok ng mahuhusay na high school teams sa 2014 Seaoil NBTC League ang magpapatunay na nagagam­panan ng liga ang hangaring makatulong sa pagpapayabong sa kaalaman ng batang basketbolista sa buong bansa.

Sa Marso 6 hanggang 9 lalarga ang kompetisyon sa NBTC League National High School Finals habang ang pinakahihintay na All-Star Game ay mapapanood sa Marso 9 sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

“We thank the NBTC for giving us this opportunity to  play  a major role in the development of our youth through sports,” wika ni Art Cruz, ang marketing head ng Seaoil.

 Ang multi-titled  high school coach na si Ato Badolato ang siyang na­nguna sa screening committee sa isinagawang da­lawang araw na tryouts para madeter­mina ang 30 manlalaro na hahatiin sa dalawang koponan na maglalaro sa All Star Ga­me.

Ang NBTC ay may bas­bas ng Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas matapos itakda ito bilang kanilang official grassroots development program at may ayuda ang liga ng MVP Sports Foundation, Meralco, Smart, NLEX, Maynilad, Philex at Molten.

Show comments